Sa pagtitipon ng mga kongresista Miyerkules (July 10) ng gabi sa Taguig City, ipinakilala ni Leyte Rep. Martin Romualdez si Cayetano bilang susunod na speaker.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Romualdez, na kay Cayetano na ang kanilang solidong suporta matapos magsalita ni Pangulong Duterte at iendorso ito bilang susunod na lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Hiling naman ng kongresista sa susunod na speaker, sana ay alagaan sila nito.
Una nang sinabi ni Albay Representative Joey Salceda na tinanggap na ni Romualdez ang posisyon ng pagiging majority leader.
Sa umaga ng July 22 bago ang State of the Nation Addresss ni Pang. Duterte, pormal na ihahalal ng mga miyembro ng Kamara ang susunod na Speaker sa pagbubukas ng sesyon ng 18th Congress.