Pagpapahayag ng suporta ng mga kongresista kay incoming speaker Cayetano pinangunahan ni Rep. Romualdez

By Erwin Aguilon July 11, 2019 - 12:29 PM

Suportado na ng mga miyembro ng Kamara ang magiging pamumuno ni Taguig City Rep. Alan Cayetano bilang house speaker.

Sa pagtitipon ng mga kongresista Miyerkules (July 10) ng gabi sa Taguig City, ipinakilala ni Leyte Rep. Martin Romualdez si Cayetano bilang susunod na speaker.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Romualdez, na kay Cayetano na ang kanilang solidong suporta matapos magsalita ni Pangulong Duterte at iendorso ito bilang susunod na lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Hiling naman ng kongresista sa susunod na speaker, sana ay alagaan sila nito.

Una nang sinabi ni Albay Representative Joey Salceda na tinanggap na ni Romualdez ang posisyon ng pagiging majority leader.

Sa umaga ng July 22 bago ang State of the Nation Addresss ni Pang. Duterte, pormal na ihahalal ng mga miyembro ng Kamara ang susunod na Speaker sa pagbubukas ng sesyon ng 18th Congress.

TAGS: 18th congress, house speaker, rep alan cayetano, Rep. Martin Romualdez, 18th congress, house speaker, rep alan cayetano, Rep. Martin Romualdez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.