Mga sisibaking BOC officials kakasuhan ng administratibo at kriminal
Tiniyak ng Malakanyang na sasampahan ng kaukulang asunto ang mga tatanggaling opisyal ng Bureau of Customs (BOC).
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa ngayon, kumukuha na lamang ng timing si Pangulong Rodrigo duterte para isapubliko ang pangalan ng mga tiwaling BOC official.
Ayon kay Panelo, kasong administratibo at kriminal ang kakaharapin ng BOC officials.
Wala aniyang sasantuhin ang pangulo sa BOC dahil laganap pa rin ang korupsyon sa ahensya.
Ayon kay Panelo, purisigido ang adminisrasyon na labanan ang korupsyon.
Zero tolerance aniya ang pangulo sa anumang uri ng iregularidad sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.