Klinika sa Makati kung saan nasawi ang ginang na nagpa-liposuction, ipinasara na
Ipinasara na ang klinika sa Makati City kung saan nasawi ang isang ginang na negosyante matapos magpa-liposuction.
Isinilbi ng Makati City Business Permit Office at ng Makati City Police ang closure order sa Contours Advanced Face and Body Sculpting Institute sa Paseo De Magallanes, Makati.
Nabatid na walang business permit at mula taong 2011 ay hindi na nagbabayad ng buwis ang naturang kumpanya.
Nasawi ang ginang na si Nory Bobadilla, 43 anyos at negosyante mula sa Negros Occidental matapos sumailalim sa liposuction procedure sa nasabing klinika.
Ayon kay Makati City police chief, Lt. Col. Rogelio Simon, inihahanda na nila at ng pamilya bktima ang isasampang kaso laban sa may-ari ng clinic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.