Camille Prats isinilang na ang ikatlong anak

July 11, 2019 - 11:53 AM SHARE(S):

Isinilang na ng aktres at host na si Camille Prats ang kaniyang baby boy ikatlo niyang anak.

Ibinahagi ni Camille sa Instagram Story ang larawan niya habang nasa ospital na may caption na “Baby Out”.

Ito ang ikalawang anak ni Camille sa mister na si VJ Yambao.

Ang una nilang anak ni VJ ay si Nala na isinilang noong 2017.

Habang ang panganay ni Camille ay si Nathan na anak nila ng pumanaw niyang mister na si Anthony Linsangan.

TAGS: camille prats, new baby, camille prats, new baby

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.