Kapitan ng barangay sa Maguindanao, 3 iba pa patay sa pananambang
Patay sa pananambang ang kapitan ng barangay sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao, kaniyang asawa at dalawa pa nilang kasama.
Nangyari ang pananambang habang sakay ng kotse ang mga biktima sa Notre Dame Avenue sa Cotabato City araw ng Miyerkules (July 11).
Ayon kay Police Major Esmael Madin, hepe ng Criminal Investigation and Detection Group sa Maguindanao, ang mga nasawi ay sina Datu Nurodin Mangandian Guiaman, 34, kapita ng Barangay Tuka, Mamasapano, Maguindanao; misis niyang si Alwaida, 28; Tuka barangay treasurer Sindatu Agao; at Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT) member Basser Guiaman, 42 anyos.
Si Datu Nurodin ay nasawi habang ginagamot sa ospital habang ang iba pang biktima ay pawang dead on arrival.
Isa ang “rido” o away pamilya sa tinitignang anggulo sa pananambang.
Ayon kay Police Colonel Portia Manalad, Cotabato City police director, anim na armadong lalaki na sakay ng tatlong motorsiklo ang nagpaulan ng bala sa kotse ng mga biktima.
May nakuha ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na dakawang caliber 45 na baril mula sa loob ng kotse na pinaniniwalaang ginamit pa para ng mga biktima para makaganti ng putok.
May narecover namang 40 basyo ng bala ng caliber .45 at 9-mm pistol sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.