Branch ng Metrobank sa Binondo nilooban ng pitong suspek

Nag-alok ng isang milyong pisong pabuya si Manila Mayor Isko Moreno para madakip ang pitong suspek na nanloob sa branch ng Metrobank sa Sto. Cristo, Binondo.

Ayon kay Moreno, pinasok ng pitong suspek ang banko Huwebes (July 11) ng umaga at inilagay sa isang kwarto ang mga empleyado saka nilimas ang mga pera.

Alam din ng mga suspek ang pwesto ng CCTV sa banko dahil tinangay din nila ang mga ito.

Sa ngayon patuloy ang dragnet operation ng Manila Police District (MPD) sa mga suspek.

Nagbabala din si Moreno sa mga kriminal na huwag nang magpunta ng Maynila.

Ayon sa alkalde hindi titigil ang lokal na pamahalaan na sila ay mahanap, maaresto at mapanagot.

Read more...