Pulis patay nang barilin ng kaniyang kasambahay sa Laguna
Patay ang isang pulis matapos siyang barilin ng kanyang kasambahay sa Purok 5, Brgy. Tuntungin-Putho, Los Baños, Laguna.
Ayon kay Col. Eleazar Matta, Provincial Director ng Laguna nakikipag-inuman si Police Senior Master Sargeant Dominic Doctor Obligado, 43 taong gulang at nakatalaga sa Lucena City sa mga kaibigan nito nang biglang dumating ang kanyang kasambahay saka siya binaril.
Agad na tumakas ang hindi pa nakikilalang suspek sa papalayong direksyon.
Sinubukan pang sagipin ng mga doktor sa Los Baños Doctors Hospital ang biktima pero kalaunan ay binawian din ito ng buhay.
Isa sa mga tinitignang anggulo ng krimen ang umano’y negosyong pagpapautang ng biktima habang patuloy naman ang manhunt operation sa suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.