Pagpaslang sa radio broadcaster sa Kidapawan iniimbestigahan na ng Presidential Task Force on Media Security
Kumikilos na ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) kaugnay sa pamamaslang sa radio broadcaster na si Ed Dizon ng Brigada News FM sa Kidapawan City, Miyekules (July 10) ng gabi.
Ayon kay Joel Egco, executive director ng Presidential Task Force on Media Security, nagsasagawa na ng sariling imbestigasyon ang kanilang hanay kaugnay sa naturang insidente.
Nabatid na pauwi na sana si Dizon kagabi mula sa kanyang trabaho nang tambangan sa loob ng kanyang sasakyan.
Agad nasawi ang biktima dahil sa natamong tama ng bala ng baril sa katawan.
Inaalam na ngayon ng task force ang motibo sa pananambang kay Dizon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.