Isyu ng minority leadership para pagtakpan lamang ang gulo sa administration coalition – Rep. Zarate

Naniniwala si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na masyado pang maaga para para pag-usapan ang minority leadership.

Ayon kay Zarate, hindi pa tapos ang laban sa pagka-speaker kahit na nag-endorso na ng kandidato si Pangulong Duterte.

Sinabi nito na ang paglutang ng minority leader issue ngayon ay smokescreen lang para pagtakpan ang namumuong banggaan pa ng Kongreso.

Lumalabas anya na hindi lahat ay kuntento sa 15-21 term sharing na solusyon ng Presidente sa mga nag-aagawan sa pinakamataas na posisyon sa Kamara.

Patunay anya rito ang pagkalat ng text messages sa house members na nagsasabing huwag sundin ang term sharing.

Gayunpaman, iginiit nito na dapat maging parte muna ng tunay na oposisyon ang sinumang nagnanais na maging minority leader.

Mahirap naman anyang hawak na nga ng administrasyon ang liderato ng Kongreso ay pati minority leadership ay kukunin pa nila.

Pahayag ito ni Zarate matapos sabihin ni Capiz Rep. Fred Castro na pinag aaralan niya upang maging minority leader.

Read more...