LOOK: ‘Giant Tilapia’ nabingwit sa Ilog Pasig

Isang malaking isdang tilapia ang nabingwit ng mga River Warriors ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) sa Estero de San Miguel sa Maynila na bahagi ng Ilog Pasig.

Ayon sa PRRC, ang isang malaking tilapia ay tumutimbang ng isa at kalahating kilo.

Nakikita naman ito ng PRRC na positibong resulta ng tuluy-tuloy na paglilinis sa Ilog Pasig at sa mga estero na nakadugtong dito.

Kamakailan ay inalis ng PRRC ang mga informal settlers sa mga estero sa Maynila at nilinis ang mga ito mula sa tambak na basura.

Read more...