LOOK: Nagsagawa na ng ‘flushing’ sa Andres Bonifacio Shrine matapos matuklasan ang maraming dumi ng tao sa lugar
Matapos matuklasan kahapon ni Manila Mayor Isko Moreno na puno ng dumi ng tao ang paligid ng Bonifacio Shrine sa Maynila ay isinailalim na ito sa paglilinis ngayong araw.
Nagsagawa na ng ‘flushing’ ang mga tauhan ng Department of Public Safety ng Manila City Hall sa lugar.
Ginamitan ng sabon at malakas na pressure ng tubig ang palibot ng bantayog ni Bonifacio para malinis ito at mawala din ang mabahong amoy.
Ang mga tindahan at kainan sa tinatawag na ‘Kartilya Park’ sa likuran ng Andres Bonifacio Shrine ay giniba na rin.
Kahapon, labis na nadismaya si Moreno nang makita ang nakadidiring sitwasyon sa Bonifacio Shrine dahil sa nagkalat na dumi ng tao.
Habang nag-iinspeksyon ay aksidente pang nakatapak ng dumi si Moreno.
Iniutos ni Moreno ang pagsibak sa hepe ng Lawton Police Community Precinct na nakasasakop sa lugar dahil sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.