Yellow alert pitong oras na iiral sa Luzon grid
By Dona Dominguez-Cargullo July 11, 2019 - 07:47 AM
Muling itinaas sa ang yellow alert sa Luzon grid dahil sa manipis na reserba ng kuryente sa Luzon.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang pag-iral ng yellow alert ay mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon ngayong araw (July 11).
Mayroong available capacity ng kuryente sa Luzon na 11,281MW habang aabot sa 10,726MW ang peak demand.
Bagaman hindi ito magdudulot ng brownout ay pinapayuhan ang publiko na magtipid-tipid sa paggamit ng kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.