Christmas celebrations bawal sa Brunei

By Den Macaranas December 22, 2015 - 08:22 PM

Sultan-Hassanal-Bo_2715164b
AP Photo

Muling nagbabala si Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei na mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang bansa ang lantarang pagdiriwang ng Pasko.

Sa ulat na inilabas ng government-controlled na Borneo Bulletin, sinabi ng Ministry of Religious Affairs na hindi pinahihintulutan ng Sharia Law ang pagdiriwang ng anumang uri ng Christmas ceremonies dahil makasisira ito sa Muslim faith.

Kabilang sa mga ipinagbabawal ay ang pagkanta ng mga Christmas songs, pagdadamit ng costume ni Santa Claus pati na rin ang Chistmas hat, pagsisindi ng mga kandila at Christmas lights.

Nakasaad sa inilabas na kautusan na ang lalabag dito ay papatawan ng multang hindi bababa sa $20,000 o katumbas ng isang milyong piso bukod pa sa pagkaka-kulong.

Sinabi sa report na mismong si Bolkiah ang nagsabi na ang Christmas celebration ay makaka-apekto sa kanilang “Aqidah” o muslim faith at ang “Tasyabbuh” o panggagaya sa tradisyon ng mga Kristiyano at tuwirang pambabaston sa Islam.

Ang Brunei ay may kabuuang polulasyon an 400,000 kung saan 65-percent sa mga ito ay pawang mga Muslim.

Pero nilinaw naman ng kanilang Foreign Ministry na pwedeng mag-diwang ng Pasko sa loob ng kani-kanilang mga bahay ang mga hindi Muslim basta’t gawin lamang nila itong tahimik at dapat ding ipag-paalam muna sa mga otoridad.

TAGS: Bolkiah, Brunei, Christmas, Bolkiah, Brunei, Christmas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.