P300,000 halaga ng droga nakumpiska sa Quezon City

By Rhommel Balasbas July 11, 2019 - 04:20 AM

Nasabat ang aabot sa P300,000 na halaga ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Sangandaan, Quezon City.

Naaresto ang isang lalaki at dalawang babae na target ng operasyon partikular si alyas ‘Evelyn’ na isang dating police asset.

Pawang nasa drug-watchlist ng baranggay ang nahuling mga suspek.

Ayon kay Pol. Lt. Col. Alex Alberto ng QCPD Station 3, positibong nakabili ang kanilang poseur buyer ng P5,500 na halaga ng iligal na droga mula kay Evelyn.

Nakuha mula sa suspek at sa dalawa niyang kasamahan ang 40 gramo ng shabu.

Pinabulaanan ng tatlo na sa kanila galing ang mga nakuhang droga.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

TAGS: babae, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug watchlist, lalaki, police asset, QCPD Station 3, shabu, target, babae, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, drug watchlist, lalaki, police asset, QCPD Station 3, shabu, target

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.