US embassy: Chang hindi papalit kay Kim

By Rhommel Balasbas July 11, 2019 - 04:15 AM

Nilinaw ng Embahada ng Estados Unidos sa Maynila na hindi papalitan ni State Department official Mina Chang si US Ambassador to the Philippines Sung Kim.

Pinabulaanan ng US embassy ang mga lumabas na ulat at sinabing hindi totoo ang mga ito.

Iginiit ng embahada na noong September 2018 ay inanunsyo ng White House ang planong i-nominate si Chang bilang assistant administrator ng US Agency for International Development (USAID) for the Bureau of Asia.

Sa ngayon ay wala pa umanong ibang anunsyo ang White House ukol sa nomination ni Chang sa USAID position.

Samantala, inanunsyo ng State Department kahapon (July 10) ang pagbisita ni Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs David Stilwell and Assistant Secretary of Defense Randall Schriver sa Maynila sa July 11 hanggang 16.

Pangungunahan ni Schriver ang delagasyon ng US sa ikawalong US-Philippines Bilateral Strategic Dialogue (BSD).

Pag-uusapan sa dayalogo ang kooperasyon ng US at Pilipinas sa defense, ekonomiya, rule of law at regional diplomacy.

 

TAGS: Bilateral Strategic Dialogue, Mina Chang, US Ambassador to the Philippines Sung Kim, US Embassy, USAID, White House, Bilateral Strategic Dialogue, Mina Chang, US Ambassador to the Philippines Sung Kim, US Embassy, USAID, White House

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.