SWS: 93% ng mga Pinoy nagsabing mahalagang maibalik sa Pilipinas ang kontrol sa WPS

By Rhommel Balasbas July 11, 2019 - 03:32 AM

Mayorya ng mga Filipino ang nagsabing dapat maibalik sa Pilipinas ang kontrol sa mga islang inookupa ng China sa West Philippine Sea ayon sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas Miyerkules ng gabi.

Sa survey na isinagawa noong June 22-26 — 93 percent ang nagsabi na mahalagang maibalik sa bansa ang pagkontrol sa pinag-aagawang mga isla.

Seventy-four percent ang nagsabing ‘very important’ o lubhang mahalaga na maibalik ang kontrol sa Pilipinas habang 19 percent ang nagsabing ‘somewhat important’ o medyo mahalaga.

Tig-isang porsyento lang ang nagsabing ‘not at all important’ at ‘somewhat not important’.

Ang pagnanais ng 93 percent ng mga Filipino na maibalik sa Pilipinas ang control sa WPS batay sa June 2019 survey ay mas mataas sa 89 percent na naitala noong December 2018 at sa parehong 87% noong September at June 2018.

Samantala, tinanong din ang mga Filipino tungkol sa mga pamamaraan na maaaring gawin ng gobyerno ng Pilipinas upang malutas ang sigalot ng Pilipinas at China sa WPS.

Eighty three percent ang nagsabing tama na dalhin ng Pilipinas ang isyu sa mga international organizations tulad ng United Nations (UN) at Association of Southeast Asean Nations (ASEAN) para sa diplomatiko at mapayapang negosasyon sa China. Ninety two percent naman ang nagsabi na tamang palakasin ang kakayahang militar ng Pilipinas lalo na ang Philippine Navy. Tutol ang 89 percent ng mga Filipino na hayaan ang China na panatilihin ang mga imprastraktura at militar nito sa mga inaangking mga teritoryo. Habang 84 percent ang nagsabing tama na makipag-alyansa ang Pilipinas sa mga bansang handang tumulong para maidepensa ang seguridad ng bansa sa WPS. Ginawa ang June 2019 SWS Survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 Filipino adults sa buong bansa.

TAGS: dapat maibalik, kontrol, survey, SWS, West Philippine Sea, dapat maibalik, kontrol, survey, SWS, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.