Negrense patay matapos magpa-lipo sa Makati

By Rhommel Balasbas July 11, 2019 - 03:01 AM

Facebook photo

Patay ang isang negosyanteng babae mula sa Negros Occidental province matapos sumailalim sa liposuction procedure noong July 3 sa Makati City.

Nakilala ang biktima na si Nory Bobadilla, 43 anyos at may limang anak.

Ayon kay Makati City Police Crimes Against Persons Section chief Police Major Gideon Ines, biglang nawalan ng malay si Bobadilla sa kalagitnaan ng procedure.

Isinugod ang pasyente sa Parañaque Doctors Hospital kung saan ilang araw itong comatose bago bawian ng buhay nitong July 8.

Ayon sa anak ng ni Bobadilla, hindi alam ng kanilang pamilya na magpapaliposuction ang kanilang ina nang lumipad ito pa-Maynila.

Pinag-aaralan kung maaaring kasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide at medical malpractice ang mga doktor na nagsagawa ng liposuction sa biktima.

Napag-alamang hindi plastic surgeon kundi isang dermatologist ang nagsagawa ng procedure kay Bobadilla kasama lamang ang isang anesthesiologist.

Nalaman din ng mga awtoridad na paso na ang business permit ng cosmetic clinic.

 

TAGS: anesthesiologist, business permit, comatose, cosmetic clinic, liposuction, nawalan ng malay, Negrense, reckless imprudence resulting to homicide, anesthesiologist, business permit, comatose, cosmetic clinic, liposuction, nawalan ng malay, Negrense, reckless imprudence resulting to homicide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.