Kathryn at Alden ibinahagi ang sakripisyo para sa kanilang pelikula

By Len Montaño July 11, 2019 - 02:48 AM

Para sa kanilang pelikula ay may sakrispisyo sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ayon kay Alden, nabawasan ng hanggang 25 pounds ang kanyang timbang matapos siyang sabihan ni Direk Cathy Garcia-Molina na mataba umano siya.

Ang pahayag ng director ang nag-drive sa aktor para magbawas ng timbang.

Kinumpiska naman ni Molina ang cellphone ni Kathryn habang ginagawa nila ang “Hello, Love, Goodbye.”

Dahil dito ay nagtampo umano ang aktres sa kanilang director.

Naranasan naman ng dalawa na maging waitress at bartender dahil ang mga ito ang trabaho ng kanilang mga karakter sa pelikula.

Sina Kathryn at Alden ay gumanap bilang sina Joy Bernardo at Ethan Richards na mga overseas Filipino workers sa Hong Kong.

 

TAGS: "Hello Love Goodbye", ALden Richards, cellphone, Hello, Kathryn Bernardo, kinumpiska, nagbawas, sakripisyo, timbang, "Hello Love Goodbye", ALden Richards, cellphone, Hello, Kathryn Bernardo, kinumpiska, nagbawas, sakripisyo, timbang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.