Duterte inutos ang ‘freezing’ ng ilang opisyal at empleyado ng Customs

Inutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “freezing” ng ilang mataas na opisyal at mga empleyado ng Bureau of Customs (BOC) sa gitna ng alegasyon ng kurapsyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa tamang panahon ay isasapubliko ang pangalan ng mga sangkot na Customs officials at employees.

Ang naturang mga opisyal at empleyado anya ay mahaharap sa administrative at criminal charges.

Paliwanag ng Kalihim, ang pinakahuling aksyon ng Pangulo ay patunay ng “zero tolerance” o hindi pagkunsinti sa mga opisyal na dawit sa anomalya.

“The President’s latest action underscores this administration’s zero tolerance on corruption among erring officials. The anti-corruption campaign is continuing as it is relentless. No one will be spared,” ani Panelo.

Tiniyak din ni Panelo na patuloy na pupuksain ng administrasyon ang kurapsyon sa gobyerno at tatanggalin ang mga tiwaling opisyal at empleyado.

Sa kanyang talumpati noong nakaraang linggo ay sinabi ng Pangulo na may sisibakin siyang mg Customs officials na sangkot sa iregularidad.

 

Read more...