Malacañang pumalag sa batikos ng Amnesty International kaugnay sa drug war ni Duterte

By Chona Yu July 11, 2019 - 12:39 AM

“Ginagawa ko ang homework ko.”

Ito ang naging buwelta ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa batikos ng Amnesty International na hindi umano ginagawa ng kalihim ang kanyang assignment at hindi nagbabasa sa report sa anti-drug war campaign.

Ayon kay Panelo, dapat nang itigil ng Amnesty International ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon kaugnay sa kampanya na inilunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi kasi ng Amnesty International na base sa datos ng Philippine National Police (PNP), 27,000 na ang namatay sa anti-drug war campaign.

Pero ayon kay Panelo, malaking kasinungalingan ang datos ng Amnesty International dahil malinaw na inilalako lamang ang naturang impormasyon ng mga kritiko ni Pangulong Duterte.

Hamon ni Panelo, isa-isang pangalanan ng Amnesty International ang sinasabing 27,000 na napatay sa anti-drgu war campaign at isa-isang tukuyin kung saan sila napatay.

Kapag nabigo anya ang Amnesty International na pangalanan ang mga nasawi, patunay lamang ito na kasinungalingan at puno ng malisya ang mga batikos sa administrasyon.

 

TAGS: amnesty international, anti drug war campaign, homework, PNP, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, amnesty international, anti drug war campaign, homework, PNP, Presidential Spokesperson Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.