Kandidatura ni Poe tuluyan nang ibinasura ng Comelec

By Den Macaranas December 22, 2015 - 07:49 PM

comelec bldg
Inquirer file photo

Kinatigan ng Comelec en banc ang naunang desisyon ng First at Second Division ng poll body na nagsasabing hindi pwedeng tumakbo bilang Pangulo ng bansa si Sen. Grace Poe.

Ayon sa source ng Inquirer, nabigo si Poe na patunayan sa Comelec en banc ang kanyang pagiging natural-born Filipino at kulang din ang kanyang 10-year required residency para maging kandidato sa Presidential elections.

Kinumpirma rin ng ilang Comelec insiders na dikitan ang boto sa Comelec en banc kung saan sumentro ang isyu sa kung nagkaroon ba ng mis-representation sa inihaing Certificate of Candidacy ni Poe.

Nauna dito ay kumalat na ang balita kaninang tanghali na bukas, araw ng Miyerkules ang promulgation sa kaso ni Poe.

Sinabi ni Comelec First Division Presiding Commissioner Rowena Guanzon na umaasa siyang hindi babaguhin ng en banc ang kanilang naunang desisyon sa petisyon na inihain nina dating Sen. Kit Tatad, Amado Valdez at Antonio Contreras.

Nauna nang naglabas ng desisyon ang nasabing Division sa botong 2-1 na nagsabing bigo si Poe na patunayan na siya’y natural-born Filipino at pasok sa 10-year required resiudency para sa isang presidential candidate

Kahapon ay sinabi ng kampo ng mambabatas na kaagad silang aakyat sa Supreme Court kung sakaling hindi maging paborable sa kanila ang desisyon ng poll body.

TAGS: 2016, Comelec en banc, poe, 2016, Comelec en banc, poe

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.