WATCH: MMDA official minura ng mga pasahero ng bus sa EDSA

By Len Montaño July 11, 2019 - 12:24 AM

Screengrab of Bong Nebrija video

Pinagalitan ni MMDA Task Force for Special Operations chief Bong Nebrija ang ilang pasahero na nagmura at nanigaw sa kanya sa gitna ng pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa EDSA.

Sa kanyang Facebook live, mapapanood si Nebrija na sinita ang kanilang traffic enforcer na tila hindi alam kung saan pwedeng dumaan ang bawat uri ng sasakyan.

Pero nagsumbong ang traffic enforcer na minumura sila ng ilang pasahero ng bus na kanyang tinekitan dahil sa traffic violation.

Sa puntong ito ay nilapitan ni Nebrija ang bus kung saan naroon ang mga nagmura at nanigaw na mga pasahero.

Sinabihan ng opisyal ang mga pasahero na huwag sisihin, sigawan at murahin ang tauhan ng MMDA dahil inaayos nila ang traffic.

“Huwag kami ang sisisihin ninyo. Inaayos namin ang traffic dito. Wag nyo kaming sisigawan,” pahayag ni Nebrija.

Hindi narinig sa video ang sinabi ng pasahero pero sumigaw si Nebrija na pumasok ito ng maaga. Giit pa nito, dapat sumunod ang bus na sinakyan ng nanigaw na pasahero.

Nakipagsagutan pa si Nebrija matapos siyang sabihan ng pasahero na nagbabayad ito ng buwis na pampasweldo sa MMDA.

“Ikaw ang nagpapasahod sa akin, magkano ang tax na binabayad mo? Sandali, magkano ang tax na binabayaran mo?” Nebrija continued. “Pambihira, inaayos namin ang Edsa, ayaw niyong sumunod. O sige ireklamo niyo kami,” dagdag ni Nebrija.

Dismayado si Nebrija na ang MMDA ang sinisisi gayung ipinapatupad lamang ng kanilang tauhan ang alituntunin para mapabuti ang sitwasyon ng trapik sa EDSA.

“Ganyan po ang dinadanas namin. Etong mga enforcer namin sinisigawan, parang kami pa mali ngayon. Kami lang po nagpapatupad ng batas, kami pa sinisigawan. Mali yang bus driver nila, kami ang sinisisi, tapos minumura pa ang mga enforcer natin. Gusto ng pagbabago, pag maaapektuhan ng pagbabago sila ang magrereklamo.”

TAGS: BONG NEBRIJA, bus, edsa, minura, mmda, pasahero, sinigawan, traffic violation, trapik, BONG NEBRIJA, bus, edsa, minura, mmda, pasahero, sinigawan, traffic violation, trapik

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.