WATCH: Mayor Isko nakatapak ng dumi sa Bonifacio Shrine

Screengrab of Mayor Isko Moreno video

Aksidenteng nakatapak ng dumi ng tao si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa gitna ng inspekyon nito sa Bonifacio Shrine sa Lawton Miyerkules ng umaga.

Hindi itinago ni Domagoso ang inis dahil sa nagkalat na dumi sa paligid ng bantayog ng bayaning si Andres Bonifacio na malapit sa tanggapan ng Manila Mayor.

Pabiro na lamang na sinabi ng Alkalde na magkakapera siya dahil swerte umano kapag nakatapak ng dumi.

“Oh ayan nakaapak na nga ako e. Sino swerte? Yayaman! Oh ayan tae! Swerte raw yan, magkakapera ako. Ayan minahan oh, madaming ginto. Dito pala tinago ng katipunan ang ginto,” ani Mayor Isko.

Tanong tuloy ng Alkalde, bakit hindi iginagalang ang monumento ni Bonifacio.

Dahil sa pagkadismaya sa “kababuyan” sa lugar, inutos ni Domagoso ang pagsibak sa hepe ng Lawton PCP na nakakasakop sa Bonifacio Shrine.

Read more...