#WalangPasok: Klase sa Kidapawan City at Makilala, North Cotabato suspendido pa rin

By Len Montaño July 10, 2019 - 11:19 PM

Dahil sa banta ng malalakas na aftershocks bunsod ng magnitude 5.6 na lindol Martes ng gabi, suspendido pa rin ang klase sa Makilala at Kidapawan City, North Cotabato araw ng Huwebes July 11.

Ang class suspension ay dahil sa pinsala sa ilang gusali sa lalawigan bunsod ng malakas na pagyanig.

Nagkasundo sina Schools Division Superintendent Romelito Flores at Acting Kidapawan Mayor Jivy Roe Bombeo na kanselahin ang klase sa lahat ng antas, sa private at public schools.

Ayon kay Flores, sinusuri pa rin ng disaster risk reduction and management office ng Department of Education sa lungsod ang mga crack sa ilang eskwelahan.

Nabatid na nagkaroon ng mga bitak sa Kidapawan City Pilot Elementary School.

“While we are still checking all school buildings, we decided to suspend for another day the classes in all levels. The City Government of Kidapawan ensures the safety of our learners; thus, the suspension of classes in all levels both public and private,” ani Flores.

Samantala, sa bayan ng Makilala, kinansela rin ni Mayor Armando Quibod ang klase sa lahat ng antas bukas.

Naitala ng Phivolcs ang hindi bababa sa 140 aftershocks, pinakamalakas ang magnitude 4.9 sa Cotabato Miyerkules ng umaga.

 

TAGS: aftershocks, bitak, class suspension, eskwelahan, Kidapawan City, lindol, makilala, North Cotabato, walangpasok, aftershocks, bitak, class suspension, eskwelahan, Kidapawan City, lindol, makilala, North Cotabato, walangpasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.