2 patay, 9 sugatan sa pag-araro ng trak sa 7 sasakyan sa Batangas

By Len Montaño July 10, 2019 - 10:17 PM

Dalawang katao ang nasawi at siyam na iba pa ang sugatan matapos araruhin ng trak ang pitong sasakyan sa Lipa, Batangas.

Ayon sa Lipa City Police, pumalya ang preno ng trak na may kargang plastic wares at papuntang Laguna.

Inararo ng trak ang isang kotse, tricycle, jeep at ilan pang sasakyan.

Ayon sa isa sa mga sugatan na si Paquito Arante, nag-aabang lamang siya ng masasakyang jeep nang masagasaan siya ng trak.

Tumilapon si Arante sa isang kotse na sinalpok din ng trak.

Isa sa mga namatay ay ang batang si Lawrence Rick na nakasabit sa inararong jeep.

Nangako naman ang may-ari ng trak na tutulungan ang mga pamilya ng namatay at ang mga nasugatan.

 

TAGS: 7 sasakyan, aksidente, Batangas, inararo, Lipa, patay, preno, pumalya, sugatan, trak, 7 sasakyan, aksidente, Batangas, inararo, Lipa, patay, preno, pumalya, sugatan, trak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.