Mga bagong K9 dog, handa nang ipamahagi sa iba’t ibang PDEA regional office

Maipamamahagi na ang 100 bagong K9 handlers at K9 dogs ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) magtapos dumaan sa PDEA K9 Handlers’ Basic Course.

Isinagawa ito sa Zemog K9 Training Center, Sitio Puting Bato, Inarawan Antipolo City.

Tinawag ang grupo na “Nagtalad” na ang ibig-sabihin ay “Tao at Aso Laban sa Droga.”

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang mga bagong k9 handlers at aso ay sumailalim ng anim na buwan ng matinding pagsasanay bilang paghahanda sa mga anti-illegal drug operation.

Sinabi pa nito na ito ay makakatulong para palakasin ang pagbabantay laban sa ipinagbabawal na droga sa mga paliparan, pantalan, sweeping search sa mga bagahe, cargo, event monitoring, greyhound operation sa mga kulungan at custodial facilities.

Kasama sa pagsasanay ang pagiging pamilyar sa mga ilegal na druga, kaalaman ng mga kilos at ugali ng K9, dog’s drive development at pagkilala ng mga amoy ng iba’t ibang droga.

Ipamamahagi naman ang K9 dogs at handler sa iba’t ibang PDEA regional offices sa buong bansa.

Read more...