PNP, hindi kinukunsinti ang pagpapabaya ng ilang pulis sa kanilang pamilya – Albayalde

By Angellic Jordan July 10, 2019 - 09:33 PM

Hindi kinukunsinti ng Philippine National Police (PNP) ang mga pulis na hindi nakakapagbigay ng suporta sa kani-kanilang pamilya.

Ito ay matapos makatanggap ang PNP ng mahigit 100 reklamo mula sa mga misis na hindi nakakakuha ng pinansiyal na suporta mula sa kanilang mga mister na pulis.

Ayon kay PNP chief, Gen. Oscar Albayalde, hindi kinukunsinti ng kanilang hanay ang pag-abandona ng ilang pulis sa kanilang pamilya.

May ilan aniya na nag-aatubiling magreklamo dahil sa posibilidad na maapektuhan ang trabaho ng mga pulis na tumatayong haligi ng kanilang pamilya.

Sa kabila ng pagpapatupad ng taas-sahod sa mga pulis ngayong taon, sinabi ng PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS) na tumaas ang bilang ng reklamo na hindi pagsuporta sa pamilya ng mga pulis.

TAGS: Gen. Oscar Albayalde, PNP, Pulis, Gen. Oscar Albayalde, PNP, Pulis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.