Amnesty International, ‘stubborn’ at ‘hopeless’ – Panelo
Tinawag ng Palasyo ng Malakanyang ang Amnesty International bilang ‘stubborn’ at ‘hopeless’ matapos itanggi ng human rights group ang pamumulitka sa kampanya kontra sa ilegal na droga ng administrasyong Duterte.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ito ay dahil tuloy ang pagdidiin ng grupo sa aniya’y walang basehan at maling impormasyon ukol sa war on drugs partikular na sa bilang ng drug-related killings.
“Amnesty International not only is stubborn but incorrigible as well, when it insists on pursuing and advancing a baseless and false narrative on the government’s war on drugs, specifically on the nature and number of deaths arising therefrom,” pahayag ni Panelo.
Sinabi pa nito na ginawa niya ang kaniyang ‘homework’ kung kayat tinututulan nito ang lumabas na headline sa Philippine Daily Inquirer na umaabot na sa 27,000 ang bilang ng umano’y extrajudicial killings sa bansa.
Ayon kay Panelo, ito ay isang malaking kasinungalingan at parte ng mga maling adbokasiya ng mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“This is one big lie and part of the false advocacies widely peddled by the President’s critics and detractors, considering that those who have been neutralized in the anti-illegal drug campaign are less than a fifth of this bloated figure,” ani Panelo.
Iginiit pa nito na hindi dapat maging ‘parrot’ ang human rights group ng mga bogus na impormasyon mula sa mga tumututol sa pamahalaan.
Dahil dito, hinamon ni Panelo ang London-based group na magbigay ng facts at figures ng mga pangalan ng umano’y 27,000 na extrajudicial killings sa bansa.
Kung hindi ito magagawa ng grupo, mapapatunayan lamang nito ang mali at malisiyoso ang inilabas na impormasyon sa war on drugs ng pamahalaan.
“They have to cite facts and figures on the names of the alleged twenty seven thousand extra judicial deaths, as well as the circumstances surrounding those deaths. Otherwise, their failure will only validate the grotesque falsity of their claim and lace it with condemnable malice,” pahayag ni Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.