Kandidata mula sa Pasig, hinirang bilang Miss Earth Philippines 2019

By Angellic Jordan July 10, 2019 - 08:41 PM SHARE(S):

Hinirang si Pasig candidate Janelle Lazo Tee bilang Miss Earth Philippines 2019.

Natalo ni Tee, dating host ng “Wowowin,” ang nasa 39 kandidata sa idinaos na beauty pageant sa The Cove Manila sa ParaƱaque City, Miyerkules ng hapon.

Narito naman ang ilang kandidata na nanalo bilang runner-up:
– Karen Nicole Piccio mula sa Maasin, Iloilo bilang Miss Philippines Ecotourism
– Ana Monica Tan mula sa Tagoloan, Misamis Oriental bilang Miss Philippines Air
– Chelsea Fernandez mula sa Tacloban, Leyte bilang Miss Philippines Water
– Alexander Marie Dayrit mula sa Marikina bilang Miss Philippines Fire

Samantala, unang sumali si Tee sa naturang beauty pageant taong 2014.

Si Tee ang magiging pambato ng Pilipinas para sa Miss Earth competition sa buwan ng oktubre ngayong taon.

TAGS: Janelle Lazo Tee, Miss Earth Philippines 2019, pasig, Janelle Lazo Tee, Miss Earth Philippines 2019, pasig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.