Maiksing maghapon naranasan ngayong araw

By Den Macaranas December 22, 2015 - 05:23 PM

Manila-bay-sunset
Inquirer file photo

Ngayong araw na ito, December 22 naranasan ang pinaka-maiksing daylight sa Northern Hemisphere dahil sa tinatawag na Winter Solstice.

Sinabi ng Pagasa na ang nasabing natural occurrence sa mundo ay nagaganap sa pagtatapos ng tinatawag na pagbabago sa oras base sa haba ng araw at gabi na nagsimula noong September 23 sa pamamagitan ng Autumnal Equinox.

Ang haba ng araw at gabi ay magkapareho tuwing panahon ng Autumnal Equinox.

Kaninang umaga ay sumikat ang araw sa oras na 6:16am at lulubog naman sa ganap na 5:32pm.

Kabaliktaran ng Winter Solstice ang tinatawag na Summer Solstice na mararanasan ng mundo sa June 22 2016 kung saan ay magiging 13-hours ang habang ng araw bago magtakip-silim.

Noong unang panahon ay karaniwang kinatatakutan ang ganitong phenomenon dahil sa mga panahong ito daw lumalabas ang mga masasamang espiritu.

TAGS: pagasa, Sunrise, Sunset, Winter solstice, pagasa, Sunrise, Sunset, Winter solstice

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.