Tourist arrival sa bansa sa 2019 tataas pa – DOT

By Chona Yu July 10, 2019 - 06:58 PM

Kumpiyansa ang Department of Tourism (DOT) na kayang lampas ng kanilang hanay ang 8.2 milyong international visitors na target sa taong 2019.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Tourism Assistant Secretary Roberto Alabado na ito ay dahil sa agresibong kampanya na inilunsad ng DOT.

Malaki aniya ang increase ng mga turista mula sa Europa, China at Korea ngayong taon.

Katunayan, sinabi ni Alabado na nitong May 2019 lamang, nakapagtala ang DOT ng record setting month kung saan umabot sa mahigit 621,000 na turista ang nagtungo sa bansa o 15.62 percent na mas mataas sa 537,000 na naitala noong May 2018.

Ayon kay Alabado, umabot sa 7.1 milyong dayuhang turista ang nagtungo sa bansa noong nakaraang taon kahit na anim na buwang isinara ang Boracay island.

TAGS: Asec. Roberto Alabado, dot, tourist arrival, turismo, turista, Asec. Roberto Alabado, dot, tourist arrival, turismo, turista

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.