Pagpapataw ng multa dahil sa water service interruption sa Las Piñas, tinanggap ng Maynilad
Tinanggap na ng Maynilad ang pagpapataw ng multa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO) dahil sa water service interruption sa Las Piñas.
Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, ito ay bunsod ng kabiguan ng water concessionaire na sumunod sa obligasyon sa ilalim ng Concession Agreement.
Hindi kasi nakapagbigay ng tuluy-tuloy na serbisyo ng tubig ang Maynilad sa Barangay Captain Albert Aguilar.
Mahigit 15 araw nawalan ng suplay ng tubig ang kanilang mga consumer sa nasabing lugar.
Dahil dito, makatatanggap ng rebate ang mga apektadong consumer ng P2,500.
Ibabawas ito sa kanilang water bill simula sa buwan ng Agosto.
Maliban sa Maynilad, pinagmumulta rin ng MWSS-RO ang Manila Water para magbigay ng P2,197 na rebate sa mga apektadong consumer ng water service interruption sa east concession area.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.