Tinupok ng apoy ang hindi bababa sa 80 stalls sa Cogon Public Market sa Tagbiliran City, Bohol Miyerkules ng hapon.
Ang nasabing public market ay ikinokonsidera bilang landmark ng Tagbiliran at kilalang lugar para sa tinatawag na ‘tabo’ tuwing Martes at Biyernes.
Ayon kay Sr. Fire Inspector Marlyn Macatangay mula sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Tagbiliran, natanggap nila ang alarma ukol sa sunog pasado 1:00 ng hapon.
Inabot ng isang oras ang mga bumbero bago tuluyang naapula ang sunog sa lugar.
Maswerte namang walang nasawi at nasugatan sa insidente.
Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon kung ano ang sanhi at magkano ang kabuuang halaga ng pinsala ng sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.