Pagtaas sa pensyon ng mga senior citizen, nasa panukala ni Hontiveros

By Jan Escosio July 10, 2019 - 04:51 PM

Gusto ni Senator Risa Hontiveros na madagdagan pa ang benepisyo na natatangap ng mga senior citizen kayat muli nitong inihain ang Senate Bill 160 o ang “Lingap Para kay Lolo at Lola Act.”

Sinabi ni Hontiveros na dapat magkaroon ng universal social pension para sa mga senior citizen para maka-agapay sila sa pagbabago ng panahon.

Kabilang na ang pagtaas sa kanilang buwanang pensyon sa P1,000 kada buwan mula sa P500 gayundin ang pagkakaroon ng social pension system para sa lahat ng kakailanganing tulong ng mga Filipinong may edad 65 pataas.

Samantala, may tatlong panukala naman si Sen. Ramon Revilla Jr. para sa mga senior citizen.

Isinusulong ni Revilla ang Centenarians Act of 2019 na magbibigay ng cash incentives sa mga may edad 80 hanggang 100.

Gusto rin nito na maibaba ang senior citizens age sa 56 mula sa 60 at dapat aniyang magkaroon ng mga Elderly Care and Nursing Complexes sa bansa.

 

TAGS: Centenarians Act of 2019, Elderly Care and Nursing Complexes, Sen. Ramon Revilla Jr, Senate, Centenarians Act of 2019, Elderly Care and Nursing Complexes, Sen. Ramon Revilla Jr, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.