LTFRB sinagot ang pakiusap ni Poe ukol sa mga isyu ng TNVS drivers

By Noel Talacay July 10, 2019 - 04:47 PM

 

Sinagot ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang naging pahayag ni Senador Grace Poe na bigyan pa ng isa pang pagkakataon ang mga Transport network vehicle services (TNVS) na bigong makakumpleto ng mga kinakailangang dokumento.

Sa pahayag ng LTFRB, sumusunod lamang sila sa mga panuntunan at kautusan ng kanilang ahensya na naaayon sa mga batas para magkaroon ng ligtas, maaasahan at komportableng pampublikong transportasyon.

Giit pa ng ahensya, nagbigay na sila ng maraming konsiderasyon para mapadali at mapagaan ang mga processo tulad ng online registration para sa mga aplikante at one-stop-shop processing center.

Sa mga hatchback unit naman, maari pang kumuha ng pasahero pero dapat rehistrado ito, mag-ooperate sa loob lamang ng Metro Manila at maniningil ng tamang presyo ng pamasahe.

Siniguro naman ng pamunuan ng LTFRB na pakikinggan nila ang mga hinaing ng mga TNVS operator at rerespetuhin ang mga gagawing kilos-protesta.

Hinahangaan naman ng LTFRB si Senador Grace Poe sa pagbibigay ng atensyon sa mga kapakanan ng mga TNVs operator at driver ng bansa.

 

TAGS: Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Senador Grace Poe, Transport network vehicle services (TNVS) Transport network vehicle services (TNVS), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Senador Grace Poe, Transport network vehicle services (TNVS) Transport network vehicle services (TNVS)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.