Mga turista, hinihikayat ng DOT na bumisita sa Mindanao region

By Chona Yu July 10, 2019 - 04:45 PM

** for T0615min4 / boholana missing in cagayan river **
JUNE 14, 2014
Adventure tourists from a separate group (not Kagay) pass by a group of rescuers searching for the tourist who had gone missing a day before.
PHOTO BY JB R. DEVEZA, INQUIRER MINDANAO

Ligtas ang Mindanao region.

Ito ang panghihikayat ng Department of Tourism (DOT) sa mga turista na bisitahin ang dulong rehiyon ng bansa.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Tourism Assistant Secretary Roberto Alabado na hindi naman delikado ang Mindanao region.

Taliwas ito sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nanatiling mapanganib ang Mindanao region dahil sa terorismo.

Ayon kay Alabado, maraming magagandang tanawin sa Mindanao gaya na lamang ng pink beaches sa Zamboanga at ang magagandang isla sa Tawi-Tawi.

Ibinibida aniya ng DOT ang mayaman na kultura ng Mindanao para maengganyo ang mga turista na bumisita sa lugar.

Bukod sa mayamang kultura, masarap din aniya ang mga pagkain ng mga Maranao at mga Tausug.

 

TAGS: Department of Tourism (DOT), Maranao at mga Tausug, Rodrigo Duterte, tawi-tawi, Tourism Assistant Secretary Roberto Alabado, Department of Tourism (DOT), Maranao at mga Tausug, Rodrigo Duterte, tawi-tawi, Tourism Assistant Secretary Roberto Alabado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.