Pagpapautang ng gov’t banks sa public school teachers, isinusulong sa Kamara
Isinusulong ng isang bagitong kongresista ang panukalang batas na magbibigay pahintulot sa mga bangkong pag-aari ng gobyerno na magpautang sa mga pampublikong guro na may mababang interes.
Sa House bill 1015 o ang “Public School Teachers Special Loan Window Act” na inihain ni Quezon City 2nd district Rep. Precious Hipolito, layon nitong magpautang sa mga bonafide public school teacher na may mababang inters sa ilalim ng Special Loan Window sa mga government-owned bank.
Nakasaad sa panukala na ang nasabing loan ay iba o bukod sa anumang emergency loans para sa public school teachers na karaniwang may mataas na interes.
Ayon kay Hipolito-Castelo, tulad ng iba pang marangal na propesyon, kailangan na ang isang guro ay magsilbing role model at para matupad ito ay magkaroon sila ng disenteng buhay at maiwasan ang pag-utang sa anumang financial resources mula sa loan sharks.
Layon din ng panukala na matulungan ang mga guro mula sa kanilang nararanasang pinansiyal na paghihirap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.