Tiniyak ng Department of Tourism (DOT) na hindi total closure ang gagawin sa iba-iba pang tourist destination sa bansa habang sumasailalim sa rehabilitasyon.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Tourism Assistant Secretary Roberto Alabado na hindi matutulad sa Boracay ang Siargao, Coron sa Palawan at Panglao sa Bohol na anim na buwang ipinasara habang nililinis ang isla.
Ayon kay Alabado, tanging ang mga establisyemento na lumalabag sa environmental laws ang kanilang ipasasara hanggat hindi tumatalima sa batas.
May nasampulan na aniya ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mga establisyemento sa El Nido na ipinasara dahil sa hindi maayos na waste management.
Matatandaang anim na buwang isinara ang isla ng Boracay para bigyang daan ang rehabilitasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.