Umano’y suicide mission ng dalawang Egyptian, hindi pa tiyak – Albayalde
Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na hindi pa kumpirmado ang presensya ng Egyptian couple na may plano umanong magsagawa ng suicide bombing mission sa Sulu.
Ayon kay PNP chief, Gen. Oscar Albayalde, hindi pa tiyak ang kumakalat na balita ukol dito.
Gayunman, hindi inaalis ni Albayalde ang posibilidad na magsagawa ang sinumang dayuhan ng suicide mission sa bansa.
Ito ay kasunod na rin aniya ng mga naitalang insidente ng suicide bombing na sangkot ang mga dayuhan.
Matatandaang isiniwalat ni Philippine Insttitute for Peace, Violence and Terrorismo President Rommel Banlaoi na mayroong Egyptian couple na magsasagawa ng suicide mission sa Sulu kasunod ng utos ng Islamic State.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.