Maagang paglagda sa pambansang budget ipinagyabang ng Senado

By Chona Yu December 22, 2015 - 04:10 PM

nationalbudgetIpinagmalaki nina Senate President Franklin Drilon at Senador Sonny Angara ang maagang paglagda ni Pangulong Benigno Aquino III sa 2016 General Appropriations Act na aabot sa mahigit P3.002-Trillion.

Ayon kay Drilon, tanging ang adminsitrasyon ng Pangulong Aquino lamang ang nakapag-pasa ng pambansang budget ng naayon sa oras.

Sa naturang budget, mahigit sa P411Billion ang inilaan para sa edukasyon habang ang mahigit P123Billion ay mapupunta sa sektor ng kalusugan.

Sinabi pa ni Drilon na hamon ngayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs na paigtingin ang pangongolekta ng buwis para matustusan ang kaban ng bayan.

Sa panig ni Angara, sinabi nito na dapat i-commend ang administrasyong Aquino sapagkat taun-taon ay lumalaki ang pondong inilalaan para sa mga serbisyong kritikal tulad ng edukasyon at pangkalusugan na kailangan ng mamamayang Pilipino para umahon sa kahirapan.

Mahalaga ayon kay Angara na ipagpatuloy ng susunod na administrasyon ang paglaan ng mas malaking pondo para sa mga serbisyong ito upang lalong guminhawa ang buhay ng mga Pilipino at tuluyang makatakas sa kahirapan.

 

TAGS: 2016, Angara, Drilon, GAA, 2016, Angara, Drilon, GAA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.