140 aftershocks, naitala matapos ang 5.6 magnitude na lindol sa North Cotabato
Hindi bababa sa 140 aftershocks ang naitala ng Phivolcs kasunod ng magnitude 5.6 na lindol sa Makilala, North Cotabato Martes ng gabi.
Ayon kay Eng. Hermes Daquipa, officer-in-charge ng Phivolcs field observation sa Kidapawan City, hindi direktang naramdaman ang mga aftershock sa iba’t ibang lugar.
Ngunit, naitala aniya ang mga aftershock ng kanilang siemograph mula Martes ng gabi hanggang Miyerkules ng umaga.
Ani Daquipa, 12 aftershocks ang naramdaman sa Kidapawan.
Tumama ang pinakamalakas na aftershock na magnitude 4.9 bandang 8:56 ng umaga.
Dahil dito, sinuspinde ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang pasok sa city hall.
Inatasan din ni Evangelista ang engineering department na suriin ang mga crack sa mga gusali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.