Clearing operations ni Mayor Isko Moreno sa Maynila malaking tulong para makaakit ng turista ayon sa DOT

Courtesy of Isko Moreno Supporters
Pinuri ng Department of Tourism (DOT) ang clearing operations ni Manila Mayor Isko Moreno sa Divisoria, Quiapo at iba pang maruruming lugar sa Maynila.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Tourism Assistant Secretary Roberto Alabado na hindi maikakaila na maraming turista ang nagtutungo sa Maynila para bumisita sa Luneta Park, Intramuros at maging sa Divisoria na itinuturing na shopping haven ng mga turista.

Ayon kay Alabado, ngayong malinis na ang Divisoria at Quiapo tiyak na mas mapapabibilis ang mobility ng mga turista.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang DOT sa tanggapan ni Moreno maging sa Intramuros Administration office para matulungan ang mga vendor na naapektuhan ng clearing operations.

Read more...