Pagiging minority leader pinag-aaralan ni Capiz Rep. Fred Castro

By Erwin Aguilon July 10, 2019 - 12:58 PM

Ikinokunsidera ngayon ni Capiz Rep. Fred Castro na makuha ng posisyon bilang Minority Leader ng 18th congress.

Sa isang statement, sinabi ni Castro na mayroong mga miyembro ng Kamara na kumukumbinse sa kanya na maging lider ng minorya.

Ito anya ay upang mapanatili ang pagkakaroon ng credible balance sa mga opinyon at isyu ng Mababang Kapulungan.

Sinabi ni Castro na seryoso niyang pinag-aaralan ang mungkahi upang maging oposisyon sapagkat kailangan anyang ma-distinguish ang pagkakaroon ng critical collaboration sa isang naninira lamang.

Gayunman, sinabi ni Castro na maghihintay pa siya ng guidance upang mabatid kung kaya niyang gampanan ang panawagan bilang bahagi ng kanyang paglilingkod sa bayan.

Si Castro ay majority leader ng 17th Congress at kasalukuyang presidente National Unity Party kung saan mayroong 25 miyembrong kongresista sa 18th Congress.

TAGS: Fredenil Castro, House of Representatives, minority leader, Fredenil Castro, House of Representatives, minority leader

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.