Sen. Gatchalian gustong mapalawak ang kapangyarihan ng joint energy commission
Kasunod nang pagbabago sa pangalan, mula sa Joint Congressional Power Commission ay tatawagin na itong Joint Congressional Energy Commission ay nais ni Senator Sherwin Gatchalian na mapalawak pa ang kapangyarihan nito.
Sinabi ni Gatchalian may mga plano na para magkaroon na rin ng oversight power ang komisyon sa mga panukala na may kinalaman sa langis at gas, kasama na ang Liquified Natural Gas bill.
Aniya binago ang pangalan dahil hindi lang sa power sector may oversight function ang komisyon kundi sa lahat ng isyu na may kinalaman sa enerhiya.
Sa ngayon ayon sa namumuno sa Senate Committee on Energy, tinatalakay na ang ilang mga panukala tulad ng Microgrid Systems Act, Energy Advocate Act, Electric Vehicles and Charging Stations Act, at ang Philippine Energy Research and Policy Institute Act.
Nabago ang tawag sa komisyon noong Abril nang pirmahan ni Pangulong Duterte ang Energy Efficiency and Conservation Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.