Sen. Grace Poe may dalawang panukalang batas para sa showbiz industry

By Jan Escosio July 10, 2019 - 12:13 PM

Kabilang sa mga unang dalawang panukalang-batas na inihain ni Senator Grace Poe para sa 18th Congress ay para sa industriya ng showbiz.

Sa kanyang Philippine Independent Film Incentives Act of 2019, gusto ni Poe na mabigyan ng hanggang P5 milyon insentibo ang makakagawa ng mga award-winning films.

Aniya sa ganitong paraan ay makakadiskubre at makakahikayat ng mga mahuhusay na Filipino film makers na makagawa ng mga ‘obra’ na pelikula, kasama na ang mga tinatawag na ‘indie films.’

Nakasaad sa panukala na bukod sa cash incentives, hindi na pagbabayarin ng buwis ang mga producer kapag ipinalabas na sa mga sinehan ang pelikula na dapat din ay may ‘A’ rating mula sa Cinema Evaluation Board.

Samantala, inihain din ni Poe ang Philippine Film and Television Tourism Act of 2019 na layon naman makalikha ng mga trabaho at maipakita ang mga natatanging ganda ng Pilipinas.

Ayon kay Poe malaki ang utang ng loob ng kanyang pamilya sa industriya kayat nais nitong maibalik ang dating sigla at kita sa paggawa ng mga de-kalidad na pelikula.

TAGS: grace poe, Philippine Film and Television Tourism Act of 2019, Philippine Independent Film Incentives Act of 2019, grace poe, Philippine Film and Television Tourism Act of 2019, Philippine Independent Film Incentives Act of 2019

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.