Stranger Things Season 3 pinanood ng 40.7 million sa Netflix

By Jimmy Tamayo July 10, 2019 - 12:07 PM

Gumawa ng bagong record sa online streaming na Netflix ang bagong season ng “Stranger Things.”

Ayon sa Netflix umabot sa 40.7 million accounts ang nanood sa third season ng ng nasabing sci-fi series sa loob lamang ng apat na araw.

Ito na ang may pinakamaraming nanood sa anumang series o movie sa unang apat na araw na pagpapalabas nito sa nasabing streaming media.

Umaabot naman sa 18.2 million accounts ang natapos na ang buong third season ng “Stranger Things.”

Noong Disyembre, umabot sa 45 million accounts ang nanood ng pelikulang Bird Box sa loob lamang ng isang linggo.

Ang Netflix ay nangunguna ngayon bilang global television at film streaming na mayroong 140-million subscribers sa buong bansa.

TAGS: Netflix, stranger things season 3, Netflix, stranger things season 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.