100 karton ng sigarilyo nakumpiska sa Zamboanga City

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2019 - 11:25 AM

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang 100 karton ng mga smuggled na sigarlyo sa Zamboanga City.

Nasabat ang mga sigarilyo mula sa mga barkong MV Mama Mia, MV Mary Joy 1 at Asian Star II.

Ang mga barko ay galing sa Jolo, Sulu at papunta sa Zamboanga City Miyerkules (July 10) ng madaling araw.

Agad naman naiturnover ng PCG sa Bureau of Customs ang mga sigarilyo na may iba’t-ibang brand.

Ayon sa Customs Collector na si Segundo Sigmundfreud Barte Jr., inilagay sa iba’t-ibang lalagyan ang mga sigarilyo para hindi mahalata.

Ang iba ay ipinasok sa karton na may tubig at yelo para magmukhang isda ang laman habang may isinilid din sa loob ng maleta upang magmukhang mga damit at gamit.

Sinabi naman ng isang alyas Midzfar na may dala ng dalawang maleta na naglalaman ng sigarilyo, nabili niya ang mga ito sa Jolo, Sulu at ibebenta sana niya sa Zamboanga sa halagang P14,000.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang may-ari ng iba pang nakumpiskang mga sigarilyo.

TAGS: coast guard, customs, smuggled cigarettes, Zamboanga City, coast guard, customs, smuggled cigarettes, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.