Marian Rivera nag-donate ng breastmilk sa ospital

Pinuri ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes ang kanyang misis na si Marian Rivera makaraang magdonate ng breastmilk sa mga sanggol sa isang hospital.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Dantes ang isang larawan kung saan makikita na hawak ni Marian ang pakete ng breastmilk na dinonate nito sa “The Parenting Emporium,” isang social enterprise na tumutulong sa mga pamilyang nangangailangan.

Bahagi ito ng “Milk Sharing Hub,” isang kampanya na tumutulong sa mga ina na hindi makapagbigay ng sapat na gatas-ina sa kanilang mga sanggol.

Ang nasabing larawan ay nilagyan ni Dantes ng mahabang caption kung saan tinawag nitong “superwoman” ang kanyang asawa.

“There are many things i admire about my wife, but one of them that really makes her a superwoman in my eyes is her dedication to breastfeeding. Being a witness to what she went through with Zia, and with what she is providing for Sixto, i know that producing that precious milk is not easy. And because she is blessed with this, i salute her for choosing to donate her excess expressed milk to those who need it the most. Thank you, Maricel, for being that angelic link that would feed infants with all these thousands of milliliters of breastmilk, which to me is gold!” saad sa caption ni Dantes.

Dagdag pa ng aktor, alam niyang hindi naging madali para kay Marian ang ginagawa hinahangaan naman niya ito sa dedikasyon bilang isang nanay.

Sa update naman ng The Parenting Emporium, ang donasyong gatas ni Marian ay ibinigay sa isang baby na nagngangalang Mati na kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU)ng hindi tinukoy na ospital.

Read more...