P2.4M na halaga ng marijuana bricks nakumpiska sa Cavite

By Dona Dominguez-Cargullo July 10, 2019 - 10:33 AM

Arestado ang apat na drug suspect sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Cavite Police sa Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang mga naaresto na sina Albert Abogadie, 28 anyos; Don Ragracias, 35 anyos; Mary Rose Dela Peñas, 27 anyos; at Raymond Austria, 20 anyos.

Nadakip ang apat sa Barangay Salitran 3 at nakumpiska sa kanila ang 120 kilo ng marijuana bricks na tinatayang aabot sa P2.4 million ang halaga.

Kinumpiska din ang gamit na Nissan Urvan ng mga suspek na may plakang NOH-767.

Dinala na sa Dasmariñas police station ang mga suspek at nakumpiskang mga ebidensya.

Nakatakda na silang ipagharap ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: cavite, dasmarinas city, Marijuana Bricks, cavite, dasmarinas city, Marijuana Bricks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.